Saturday, February 5, 2011

Sana...

  
Download now or listen on posterous
videoplayback_9.mp3 (3820 KB)
Sana pwede kong balikan yung mga araw na masaya pa tayo. Yung kada linggo nakikita kita.

Yung pakiramdam na kahit wala ka nandyan ka lang para sumoporta. 

Yung parang kahit hindi tayo akin ka. Yung pakiramdam na mahal mo ko.

Yung pakiramdam na napakswerte ko kasi nakilala kita.

Yung mga future plans. Yung mga nakakatawang kwentuhan.

Yung mga ngiti mo. Yung mga hawak mo.

Yung pakiramdam na kahit pagalitan ako pag uwi ok lang kasi masaya ko.

Yung may dahilan para gumising. Dahilan para huminga. 

Yung pakiramdam na kahit anong sabihin ko iintindihin mo.

Yung kahit anong ikwento ko papakinggan mo.

Yung uupo lang tayo ng mag katabi.

Kakain ng sabay. Tatawa ng malakas. Maglalakad ng malayong malayo.

Yung titingnan kita. Yung paglalaruan ko yung mga daliri mo.

Yung aayusin ko yung buhok mo.

Yung uuwi ka ng maaga para makausap ako.

Yung excitement pag nakikita kitang online. 

Yung pakiramdam na ligtas ako pag kasama kita.

Ang dami dami kong gustong sabihin. Ang dami kong dahilan para magustuhan ka.

Pero wala akong dahilan para mahalin ka.

Sana nga may dahilan nalang ako para pwede ko ring kalimutan yung dahilan na yun at makalimutan din kita agad.

Sana kaya ko.

Sana.

Masakit kasi yung iparamdam mo sakin na wala akong karapatan.

Na hindi mo ko pinaniniwalaan at pinagkakatiwalaan.

Na mababaw lang tingin mo sa akin.

Masakit yun alam mo ba?

Alam mo bang kahit gano kasakit hindi sumagi sa isip kong palayain ka.

Kaya kahit bitawan mo yung kamay ko pinipilit ko padin hawakan yung iyo. 

Mas masakit kasi pag nawala ka eh.

Mas masakit pag hindi ka akin.

Wala naman talaga akong karapatan di ba?

Pero sana.

Sana.

Sana meron.

Sana tayo.

 

No comments:

Post a Comment